PatrolPH

Kalansay ng tao nadiskubre sa ginagawang swimming pool sa Negros Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2022 05:09 AM

Isang supot ng kalansay ang nadiskubre sa ginagawang swimming pool sa bayan ng Sibulan, Negros Oriental, Huwebes ng umaga.

Kinumpirma ng Negros Oriental Provincial Police Office na kalansay ng tao ang nagtapuan sa Purok 1, Bolocboloc.

Ayon sa kanilang inisyal na report, naghuhukay ang nakadiskubre na si Elmer Bartolome para sa ginagawang swimming pool nang makita niya ang isang plastic bag na may matigas na laman.

Nang binuksan niya ito, nakita niya ang kalansay ng tao na buo pa.

Kinuha ng pulisya ang mga buto upang magsagawa pa ng pagsusuri. Sinusubukan nilang alamin kung kanino ang kalansay na nakita.

Hinahanap din ang posibleng naglibing nito sa lugar. 

Base sa sanitation code, mahigpit na pinagbabawal ang paglibing ng tao na hindi dumadaan sa tamang proseso. – Ulat ni Annie Perez

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.