PatrolPH

Ilang magpaparehistro sa Comelec magdamag naghintay sa pila

Nico Bagsic, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2022 01:06 PM

Watch more News on iWantTFC


Madilim pa lang ngayong Biyernes ay dagsa na ang mga pumipila sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila para magparehistro, isang araw bago ang deadline sa pagpapatala sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Mula sa opisina ng Comelec sa Lion's Road, tapat ng LRT Central station, umabot na pila sa isang registration site hanggang sa Arroceros Park, malapit sa Metropolitan Theater.

Pila ng mga nagpaparehistro sa Arroceros sa Maynila. Larawan kuha ni Nico Bagsic, ABS-CBN News
Pila ng mga nagpaparehistro sa Arroceros sa Maynila. Larawan kuha ni Nico Bagsic, ABS-CBN News

Kanya-kanya na ring salampak sa kalsada at latag ng karton ang mga magpaparehistro. May mga nagbaon na ng pagkain dahil magdamag na silang nakapila.

Ang mga nasa bandang unahan, alas-12 pa ng madaling-araw nakapila.

Pero dahil sa dami ng taong nais magpaprehistro, hindi maiwasang magkagulo dahil naging 2 na umano ang pila sa unahan.

Watch more News on iWantTFC

Kuwento ni JT Burgos, 19, kanina pa siyang alas-2 ng madaling-araw nakapila kasama ang kanyang mga kaibigan. Nagkagulo ang mga tao dahil marami aniya ang sumingit nang umaga.

Mahalaga din aniya sa kanya ang darating na Barangay at SK elections dahil unang beses siya boboto at nais niyang gampanan ang karapatang makapili ng mga lider.

Nagtakda na ang ilang opisina ng Comelec ng cutoff ng mga indidbiwal na ipoproseso ang registration ngayong Biyernes.

Bukas ang deadline ng pagpaparehistro at wala pang inaanunsyo ang Comelec na extension nito.

Isasagawa ang barangay at SK elections sa darating na Disyembre.

KAUGNAY NA BALITA: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.