Kuha ni Cecille Leo Tuazon
Dalawang tao ang nasawi matapos mabangga ng isang 10-wheeler truck na nang-araro ng ilang bahay sa Samal Island, Davao del Norte, Miyerkoles ng hapon.
Batay sa ulat ng pulisya, galing sa Brgy. Tagbay ang truck at pagdating sa Brgy. Cawag ay nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver.
Nag-overshoot umano sa gilid ng kalsada at bumaliktad ang truck.
Ayon sa mga awtoridad, mahigit 10 bahay ang nasira matapos mabangga ang mga ito ng truck.
Nabangga rin ang isang 25-anyos na guro na nasawi sa trahedya.
Dead on the spot din ang pahinante ng truck na naipit.—Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA ULAT
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.