PatrolPH

Batac City, 8 bayan sa Ilocos Norte isasailalim sa localized MECQ

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2021 07:12 PM

Simula Biyernes, July 23, isasailalim sa localized modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Batac City at 8 pang bayan sa Ilocos Norte dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19. 

Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 139-21 na inilabas ni Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manotoc nitong Miyerkoles.

Ang sumusunod ang 8 bayan: 

  • Bangui
  • Dingras
  • Dumalneg
  • Marcos
  • Pagudpud
  • Paoay
  • Pasuquin
  • Solsona

Samantala, nananatiling nasa ilalim pa ng localized MECQ ang lungsod ng Laoag. Nagsimula ito nitong Hulyo 10.

Mahigpit na ipinatutupad ang 9 p.m. hanggang 4 a.m. curfew at ang liquor ban sa buong lalawigan.

Sa huling tala ng Ilocos Norte nitong Hulyo 21, nasa 5,891 na ang kabuuang COVID-19 cases sa lalawigan, kung saan 103 na ang nasawi mula sa naturang sakit.

— Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.