PatrolPH

Family business? Pamilya nahulihan ng P3.4-M 'shabu' sa San Andres Bukid

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2021 07:39 AM

MAYNILA - Limang magkakamag-anak ang sabay-sabay na inaresto sa isang buy-bust operation sa Granate Street, San Andres Bukid sa Maynila Miyerkoles.

Nakuha mula sa kanila ang bulto-bultong hinihinalang shabu na aabot sa P3.4 milyon ang halaga.

Ayon kay Police Lieutenant Jess Jimenez, dalawang taon nang minomonitor ang mga suspek na ginawa na umanong family business ang pagtutulak ng ilegal na droga. 

Ikinagulat naman ng mga taga-barangay ang naging operasyon lalo’t naideklara na silang drug-free. Aminado si Kagawad Mina Bugayong ng Barangay 766 na nalusutan sila pero sa ibang lugar umano ibinebenta ang mga kontrabando. 

Balak ng barangay na magbahay-bahay para muling i-evaluate ang kanilang nasasakupan at hindi na ulit malusutan ng ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.