TFC News

EXCLUSIVE: Pinoy sa France nakatakas sa sunog

Bong Agustinez | TFC News France

Posted at Jul 22 2021 11:12 PM

PARIS - Isang Pinoy sa nasusunog na apartment sa Avenue Anatole France, Clichy, France ang na- rescue ng mga bombero ng Paris. Na-trap sa apartment si alias “Wacky,” may asawa at dalawang anak.

Nagsimula ang sunog bago mag-alas-dose ng tanghali nitong Martes, July 20.

Paano nakatakas sa bingit ng kamatayan ang Pinoy, panoorin:

Watch more on iWantTFC

Nag-iisa sa bahay si alias “Wacky” at tinangka rin ng Pinoy na i-salba ang kanilang mga gamit pero dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, inihulog na lang niya sa bintana ang mga importanteng gamit.

Nag-magandang loob naman ang kapitbahay ng biktima sa pagsalo at pag-iipon ng mga gamit.

PANOORIN: Panayam sa kapitbahay na si Nelly na saksi sa sunog at rescue operations.

Watch more on iWantTFC

Nakausap ng ABS-CBN News Team sa Paris ang isa sa bombero na nag-rescue. Wala naman daw nasugatan o namatay sa insidente at iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog.

Video kuha ni Bong Agustinez | Paris, France