PatrolPH

Biliran niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2021 11:05 PM

Biliran niyanig ng magnitude 4.3 na lindol 1
Phivolcs

Niyanig ng isang magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Biliran Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 7:15 ng gabi. Tectonic ang lindol na may lalim na 9 kilometro. Nasa kanlurang bahagi ng bayan ng Naval, Biliran ang epicenter ng nasabing lindol.

Naitala ang mga sumusunod na intensities:

  • Intensity IV - Calubian, Leyte
  • Intensity III - Naval, Kawayan, Almeria, Cabucgayan, Caibiran, Culaba and Biliran, Biliran; San Isidro and Leyte, Leyte
  • Intensity II - Capoocan, Kananga at Palompon Leyte.

Wala namang inaasahan na napinsala ang lindol at walang inaasahan na mga aftershock.

- ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.