PatrolPH

70-anyos na babae patay, mister sugatan sa aksidente sa Aklan

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2021 02:48 PM

Patay ang isang 70 taong gulang na babae habang sugatan ang kaniyang mister matapos banggain ng kotse ang sinasakyan nilang tricycle sa Kalibo, Aklan nitong Huwebes.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi bilang si Luz Mary Tenazas habang ang sugatan naman ay si Elpedio Tenazas, 72.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang mag-asawa sa kalsada sa may Crossing Banga-New Washington sa Barangay Poblacion.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Luz habang patuloy na nagpapagaling si Elpedio.

Nasa kustodiya ng Kalibo police ang driver ng kotse at hinihintay ang desisyon ng pamilya ng mga biktima kung kakasuhan ito.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.