PatrolPH

2 mangangalakal pinagbabaril sa Sultan Kudarat

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2021 09:54 PM

SULTAN KUDARAT, Maguindanao - Patay ang isang lalaki at isang babae matapos silang pagbabarilin ng mga di pa nakikilalang armadong lalaki sa Sultan Kudarat, Miyerkoles ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Gilbert Hipolan, 50, at Cynthia Blazo, 23. 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, sakay sa isang sidecar sa Brgy. Crossing Simuay ang mga biktima nang lumapit sa kanila ang mga salarin na nakasakay sa isang motorsiklo, at bigla silang pinagbabaril.

Agad nakatakas ang mga salarin.

Base sa mga basyo ng bala na nakuha sa crime scene, caliber .45 ang gamit na baril ng hindi pa kilalang mga armado.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng krimen at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga responsable.

Tinuturing umanong anak ni Gilbert si Cynthia, at parehong mangangalakal ang mga biktima.

— Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.