'Special concern' lockdown ipinatupad sa ilan pang lugar sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 10:07 PM

MAYNILA - Isinailalim sa "special concern" lockdown ang ilang bahagi ng Quezon City dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga lugar.

Nagsimula nitong Miyerkoles ang naturang lockdown sa 87-91 Gumamela Street at 1-3 Umbel Street sa Barangay Roxas at 950 Interior, Aurora Blvd sa Brgy. Mangga.

Ang isinailalim din sa lockdown ay:

  •  Loans St., Alley 4, sa Sangandaan
  •  FVR Building sa kahabaan ng Guirayan Street sa Dona Imelda
  •  Fatima St. cor. Liwanag sa San Vicente
  •  14G Maayusin Ext. sa San Vicente
  •  Maparaan St. hanggang 87 Kalayaan St. sa Central
  •  Ruby Stone HOA sa Kaligayahan
  •  127 Rebisco Road sa Nagkaisang Nayon
  •  Sitio Ruby sa Fairview
  •  5A Cenacle Compound sa Culiat
  •  Mariveles St. sa Paang Bundok
  •  238 Mayon Ave. sa Maharlika
  •  Howmart Road, mga bahagi ng Alley 2 at 3 sa Baesa
  •  No. 8A, Mariveles St. sa Sta. Teresita
  •  87-91 Gumamela St., 1-3 Umbel St, sa Roxas (simula July 22)
  •  950 Interior, Aurora Blvd., in Mangga (simula July 22)

Batay sa pinakahuling COVID-19 bulletin ng lungsod, nasa special concern lockdown din ang iba pang lugar at bahagi ng mga kalsada sa Sangandaan, Dona Imelda, San Vicente, Central, Kaligayahan, Nagkaisang Nayon, Fairview, Culiat, Paang Bundok, Maharlika, Baesa at Sta. Teresita.

Nagkakaroon ng special concern lockdown sa isang lugar kapag may mataas na bilang o clustering ng COVID-19 cases.

Nagsasagawa ng rapid test, confirmatory swab test at contact tracing sa mga lugar na naka-lockdown.

Sa pinakahuling opisyal na talaan, may 5,458 kumpirmadong cases na sa Quezon City at 2,094 dito ay active cases.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News