'Pantawid ng Pag-ibig': Relief packs handog sa 1,000 pamilya sa Pasig

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 07:50 PM

Nag-abot ng tulong ang Pantawid ng Pag-ibig sa mga residente ng Rosemarie Lane sa Barangay Kapitolyo, Pasig. ABS-CBN News

Hinihkayat ng barangay ang bawat residente ng Rosemarie Lane sa Kapitolyo, Pasig na maging alerto at mapagbantay sa mga papasok sa kanilang lugar dahil sa tumataas na bilang ng may COVID-19.

"Nagbuo kami ng frontliner dito... Madami nag-volunteer at ginawa namin daily. Anim na shifting iyon. Apat na oras bawat isang grupo... sa tulong ng barangay, kina-quarantine namin 'yong positive," ani Sammy Baculao, tagapangulo ng homeowners' assocation sa lugar.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ang residenteng si Frieda Taller ay "no work, no pay" sa pinagtatrabahuhang radio station, na bihira ngayong magpapasok ng mga empleyado dahil sa quarantine.

"Naghanap kami ng alternative para maka-survive... and then since na-lockdown kami, nag-start ako mag-paint ulit," ani Taller.

"Nakabenta na ako ng 2 canvass painting sa kakilala ko," dagdag niya.

Sa pagpipinta rin naiibsan ni Taller ang lungkot na nararamdaman dahil sa pandemya.

"Since elementary talaga... mahilig ako anything na related sa arts and crafts," ani Taller.

Naisip naman ng working student at single mom na si Daniela Sarmiento ang magbenta ng pagkain online matapos matigil ang kaniyang pagtitinda sa tiyangge dahil pa rin sa quarantine.

"Mahirap na eh kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ang pandemic," ani Sarmiento.

Pangarap ni Sarmiento na makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ang anak ng magandang kinabukasan.

Para kahit papaano ay makapaghatid ng dagdag na tulong, nagdala ng relief packs ang Pantawid ng Pag-ibig program para sa higit 1,000 pamilya sa Kapitolyo.

"Nagpapasalamat kami, isa kami sa lugar na napili niyo," ani Baculao.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.