Mahigit P130-M halaga ng 'shabu' nasabat sa Quezon City

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 05:45 PM

MAYNILA - Arestado ang 2 dayuhan at isang Filipino sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Barangay Central, Quezon City Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay PDEA National Capital Region Director Adrian Alvariño, nakuha sa mga suspek ang mahigit kumulang 20 kilos ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P136 milyon.

Dagdag ni Alvariño, sa NCR at mga karatig-lugar nagbabagsak ng droga ang mga target ng operasyon, na bahagi ng isang grupo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.