2 mangingisda sa Boracay, nasagip mula sa tumaob na bangka

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 02:05 PM

Nasagip ng volunteer responders ang dalawang mangingisdang nagpalutang-lutang sa dagat matapos tumaob ang kanilang bangkang hinampas ng malaking alon sa Boracay.

Dalawang mangingisda ang nasagip matapos tumaob ang kanilang bangka at magpalutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay Yapak sa Boracay, Martes ng hapon.

Ayon kay Leonard Tirol, founder ng Boracay Action group-Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers o BAG-BFRAV, hinampas ng malakas na alon ang bangka ng mga mangingisda. 

Isa sa mangingisda ang nagtamo pa ng sugat sa paa at agad namang nabigyan ng paunang lunas at dinala sa pinakamalapit na ospital. 

Sa ngayon nasa mabuti nang kalagayan ang mga magingisda, ayon sa volunteer responders.