2 mangingisda sa Boracay nasagip matapos tumaob ang kanilang bangka

Cherry Palma, ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2020 06:53 PM

Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang mga magingisda, ayon sa volunteer responders. Cherry Palma, ABS-CBN News

BORACAY — Dalawang mangingisda ang nasagip ng mga awtoridad dito nitong Miyerkoles matapos tumaob ang kanilang sinasakyang bangka. 

Agad na nirespondehan ng Boracay Action Group-Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BAG-BFRAV) ang dalawa na nagpalutang-lutang sa dagat na sakop ng Barangay Yapak.

Batay sa mga awtoridad, tumaob ang bangka noong Martes ng hapon dahil sa malakas na alon. 

Ayon kay Leonard Tirol, founder ng BFRAV, nagtamo ng sugat sa paa ang isang mangingisda. 

Agad naman binigyan ng paunang lunas ang mga na-rescue at dinala sa pinakamalapit na ospital.

Sa ngayon ay nasa mabuti nang kalagayan ang mga magingisda, ayon sa volunteer responders.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.