Tauhan ng MTPB na dawit sa pangongotong timbog

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 01:55 PM | Updated as of Jul 22 2019 07:57 PM

Ipinresenta ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Traffic and Parking Bureau officer na dawit sa insidente ng pangongotong. Retrato mula sa Manila Public Information Office

MAYNILA — Naaresto ngayong Lunes ang isang tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nakuhanan ng surveillance video na umano'y nangongotong sa sinitang motorista sa Santa Cruz, Maynila.

Kinilala ang enforcer bilang si Ricardo Galit, na dati na rin umanong inireklamo dahil din sa pangongotong.

Watch more in iWant or TFC.tv

Bago nito, pinagbantaan nitong Lunes ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga tauhan ng MTPB na sisibakin silang lahat sa puwesto kung hindi ikakanta ang kasamahang nakuhanan sa video.

Sinibak sa puwesto ni Moreno si Galit, at kinumpiska ang kaniyang ID at uniporme.

Inihahanda na rin ang mga kaukulang kaso laban kay Galit, ayon kay Moreno. -- Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.