PANOORIN: Duterte nakikanta sa orchestra matapos ang SONA

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 08:48 PM | Updated as of Jul 22 2019 09:01 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Matapos ang kaniyang State of the Nation Address nitong Lunes, kumanta si Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng musika ng orchestra.

Ilan lamang sa kinanta ni Duterte ang "Moon River" at "Ikaw." Sinaliwan siya ng Philippine Philharmonic Orchestra, na sa unang pagkakataon ay tumugtog sa SONA.

Ikinatuwa rin ni Duterte ang musika sa SONA at nagpasalamat siya sa orchestra sa pagpapatugtog.

"Ang ganda. Bilib ako (It's beautiful. I'm impressed)," anang Pangulo.

"I salute you."

Nauna nang inihayag ni Joyce Bernal, na nag-direct sa SONA, na gusto niya ng live music para sa okasyon.

Para sa kaniya, mas naging "festive" ang SONA kumpara sa nakaraang taon.

Isinentro ni Duterte ang kaniyang talumpati sa paghimok sa kongreso na ipasa ang panukala para ibalik ang parusang bitay para sa mga krimeng may kinalaman sa ilegal na droga at korupsiyon.

-- May ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.