Mga tagasuporta ng Pangulo, hindi natinag ng malakas ng ulan

Isay Reyes, ABS CBN News

Posted at Jul 22 2019 03:12 PM | Updated as of Jul 22 2019 10:19 PM

Mga tagasuporta ng Pangulong Duterte, hindi natinag ng ulan. ABS-CBN News

MAYNILA - Hindi nagpatinag sa malakas na ulan ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Bago mag alas-2 ng hapon, bumuhos ang napakalakas na ulan sa bahagi ng IBP Road sa Quezon City pero nanatili sa kani-kanilang puwesto ang mga tao. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Para sa kanila, ito raw ay pagpapakita nila na hindi rin matitinag ang suporta nila sa Pangulo. 

“Kahit malakas ang ulan, suporta parin kami sa Pangulo. Inaantay namin siya,” ayon sa isang supporter. 

Mga taga suporta ng Pangulong Duterte, hindi natinag ng ulan. ABS-CBN News

Nawalan din ng kuryente ang stage kung saan inaasahan magdaraos ng programa ang mga tagasuporta pero sa bawat pagsigaw ng ilang kawani ng gobyerno ng pangalan ng Pangulo, binabalikan naman ito ng hiyaw ng taumbayan na basang-basa sa ulan.

Ayon kay DENR Under Secretary Benny Antiporda na isa sa mga nangunguna sa pro-duterte supporters, bilib siya sa dedikasyon ng mga tao. 

“Tignan niyo naman, hindi natitinag ang mga tao. Sa kabila, umulan lang nawala na sila. Kanina umabot na kami sa 15,000 na tao come and go,” sabi ni Antiporda. 

Base sa pinakahuling naitala ng Quezon City Police District, nasa 2,880 na indibidwal ang kabilang sa mga pro-Duterte supporters sa kahabaan ng IBP road.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.