Hinihinalang holdaper patay sa barilan sa Cebu

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 04:38 PM

Napatay nitong umaga ng Lunes ang isang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Cebu City.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng nasawing lalaki, ayon kay Police Maj. Armando Labora ng Parian Police Station.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakipaghabulan at nakipagbarilan ang suspek sa mga pulis matapos siyang maaktuhang nanutok ng baril sa isang motorista sa Barangay Lorega.

Ayon sa motoristang si Greg Senining, nakasakay siya sa saskayan nang biglang katukin ng lalaki at inutusang ihinto ang sasakyan.

Nilabas ng lalaki ang kaniyang baril at itinutok umano kay Senining.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. -- Ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.