2 sugatan sa sunog sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2019 08:07 AM

MAYNILA - Sugatan ang dalawang residente matapos masunog ang kanilang bahay sa Sta. Cruz, Maynila nitong Linggo ng gabi.

Ayon kay Fire Sr. Insp. Hector Agadulin, hepe ng Sampaloc Fire Station, 5 bahay ang nasunog, 2 dito ang totally burned at 3 ang partially damaged. 

May dalawang naiulat na nawawalang residente, pero nahanap din silang nasa maayos na kalagayan. 

Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma. 

Ikinadismaya naman ng Bureau of Fire Protection ang napakaraming sasakyang naka-illegal parking sa lugar. 

Nahirapan aniya pumasok ang mga bombero dahil bukod sa masikip na ang kalsada, hindi na tinanggal ng mga tao ang kanilang sasakyan sa lugar kaya hindi rin nakapasok agad ang mga bombero.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.