Magkakamag-anak, arestado sa 'buy-bust' sa Pasay

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2018 08:48 AM | Updated as of Jul 23 2019 03:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Arestado ang 5 lalaki, kabilang ang 3 magkakamaganak sa buy-bust operation sa Brgy. 57, Zone 8, Pasay City.

Kinilala ang isa sa mga suspek at target ng operasyon na si alyas Percy, miyembro ng Sputnik Gang at dati nang nakulong sa kasong robbery noong 2004.

Ayon sa pulisya, nagsagawa sila ng buy-bust sa bahay ni Percy sa kanto ng Tramo at Noble St. at nakabili pa ang kanilang poser-buyer ng limandaang pisong halaga ng shabu bago inaresto ang suspek.

Timbog rin ang anak ng suspek na may drug case na noong 2017 at ang pamangkin na nagtutulak ng marijuana.

Inaresto rin ang dalawang kaibigan ng suspek na gumagamit rin umano ng droga.

Nakumpiska sa kanila ang walong sachet ng hinihinalang shabu na magkakahalaga ng P65,000 at 11 sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P2,000.

- Ulat nina Lyza Aquino at Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.