3 arestado sa buy-bust sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Dec 02 2018 09:13 AM

MANILA - Timbog ang tatlong indibidwal kabilang ang isang babae sa buy-bust operation sa Quezon City.

Kinilala ang mga nahuli na sina alyas Marites, Renel at Danilo.

Ayon sa pulisya, nagpanggap na buyer ang 2 tauhan nila. Nakakuha ng P1,000 halaga ng hinihinalang shabu ang kanilang tauhan mula sa mga suspek, na agad ring hinuli.

Narekober din mula sa tatlo ang 54 na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P28,000.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.