PANOORIN: Motorsiklo, ninakaw ng 3 kawatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 22 2016 11:51 AM

MANILA - Nakunan sa CCTV ang pagtangay sa isang motorsiklo sa labas ng computer shop sa Caloocan.

Sa video, mapapansin ang tatlong lalaki na mahigit kalahating oras na nakatambay sa labas ng isang computer shop.

Ang isa sa kanila, may kausap pa sa telepono.

Maya-maya, inilabas ng lalaki ang isang pouch na naglalaman ng master key.

Ilang sandali lang, lumapit siya sa nakaparadang motorsiklo at pinaandar ito gamit ang master key.

Kasunod niya sa pagtakas ang isa pang motorsiklo na sakay ang dalawang kasama.

Nakunan pa sa ilang CCTV ng barangay ang motor na patungong C-3.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, July 22, 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.