PatrolPH

Buntis patay nang mabundol ng motorsiklo; sanggol nasawi rin

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2022 03:17 PM

Pumanaw habang ginagamot sa ospital ang isang tatlong buwang buntis na nahagip ng humaharurot na motorsiklo sa Daet, Camarines Norte nitong Martes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kabababa lang ng biktima mula sa motorsiklo na minamaneho ng asawa, nang mabundol siya ng motosiklo na minamaneho ng isang 27-anyos na construction worker sa tabi ng kalsada sa Brgy. San Isidro.

“Nabangga ng nasabing motosiklo ang biktima sa kanyang likuran at tumilapon ito at tumama sa semento,” pahayag ng Daet Police.

Naging kritikal ang kondisyon ng biktima, kaya mula sa Camarines Norte Provincial Hospital, inilipat siya sa pribadong pagamutan.

Dahil matindi ang pagkabagok at pagbagsak nila, namatay ang biktima at dinadala nitong bata pagkalipas ng ilang oras.

Nakapiit na ang suspek sa Daet police station na kinasuhan na ng kaanak ng biktima ng reckless imprudence resulting in homicide.—Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.