PatrolPH

Stranded na sunfish sa Marinduque sinaklolohan ng mga mangingisda

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 10:07 AM | Updated as of Jul 21 2021 11:23 AM

Stranded na sunfish sa Marinduque sinaklolohan ng mga mangingisda 1
Pinagtulungang ibalik sa mas malalim na bahagi ng dagat ang napadpad na sunfish sa bayan ng Boac sa Marinduque. Larawan mula kay Dr. JM Victoria, Marinduque Provincial Veterinary Office

Isang mola mola o sunfish ang natagpuan ng mga residenteng mangingisda na na-trap sa mas mababaw na bahagi ng dagat sa Barangay Bunganay sa bayan ng Boac, Marinduque, Miyerkoles ng madaling umaga.

May lapad itong 4 na talampakan at taas na 6 na talampakan. Tinatayang nasa 200 kilo naman ang bigat nito.

Nagtulungan ang mga residente para maibalik sa mas malalim na bahagi ng dagat ang mola.

Ayon sa Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team o MAWTERT, agad naitimbre ng punong barangay na si Marlon Moncada ang stranding, kaya mabilis nilang nasaklolohan ang nanghihinang higanteng isda.

- Ulat ni Jonathan Magistrado

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.