PatrolPH

Pulis binaril sa checkpoint sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 08:17 PM

Isinugod sa ospital ang isang 30-anyos na pulis matapos siya barilin sa isang checkpoint sa Bulan, Sorsogon, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Bulan Municipal Police Station, tinamaan ng bala ang pulis sa kaliwang hita habang on-duty sa checkpoint sa Brgy. Sta. Teresita sa bayan.

Naka-assign sa 2nd Police Mobile Force Company ng Sorsogon ang binaril na pulis.

Patuloy pa ang imbestigasyon kung sino ang nasa likod ng pamamaril. 

—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.