PatrolPH

P2.4-M halaga ng marijuana, nasabat sa Benguet

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 11:40 PM

Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 20 piraso ng nakabalot na tuyong dahon ng marijuana mula sa tatlong lalaki sa Tuba, Benguet Miyerkoles ng hapon.

Aabot sa 20 kilo ang bigat ng nasabat na droga na tinatayang nasa P2.4 milyon ang halaga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Region 1 Director Bryan Babang, nakakuha sila ng impormasyon mula sa isang informant na nagsabing sangkot ang mga suspek sa malakihang kalakalan ng marijuana sa Nueva Ecija at mga kalapit na bayan ng Tarlac.

Arestado ang 20 anyos at 27 anyos na mga lalaking kapwa tubong Benguet.

Inihahanda na ang pagsampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa 2 naarestong suspek habang nai-turn-over na sa lokal na Social Welfare Development Officer ang kasama naman nilang menor de edad na lalaki.

- ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.