PatrolPH

Namatay sa diarrhea sa 1 bayan sa Davao del Norte, umakyat na sa 3

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 01:33 PM

Namatay sa diarrhea sa 1 bayan sa Davao del Norte, umakyat na sa 3 1
Namamahagi na ng malinis na tubig ang lokal na pamahalaan ng Santo Tomas sa Davao del Norte para sa mga apektadong residente ng Barangay Tulalian kung saan nagdeklara ng diarrhea outbreak. Larawan mula sa lokal na pamahalaan ng Santo Tomas sa Davao del Norte

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residenteng pumanaw matapos magkasakit ng diarrhea sa Barangay Tulalian sa Santo Tomas, Davao del Norte, kung saan idineklara ang diarrhea outbreak.

Sa ulat ng lokal na pamahalaan nitong Martes, tatlo na ang pumanaw, at 444 ang naitalang kaso simula Hulyo 15.

Dalawang senior citizen na kapwa babae—isang 81 at 69 anyos— ang pinakahuling namatay.

Isinailalim na ang dalawa sa post-mortem COVID-19 testing.

Samantala, tatlo naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa 99 diarrhea patients na isinailalim sa RT-PCR testing. Symptomatic ang isang 20 taong gulang na lalaki, at asymptomatic naman ang dalawa.

Puspusan na ang pagsasagawa ng chlorination ng sanitation team ng LGU at pamamahagi ng chlorine at water supply sa mga apektadong residente.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng lokal na pamahalaan na base sa Environment Sanitation Report ng Municipal Health Office, posibleng nakontamina ang water system source sa lugar.

Anila, masama ang kalidad ng tubig "due to poor chlorine disinfection."

"Such finding was based on the ocular inspection conducted by the Sanitation Team and random interviews with the Tulalian Water Association (TUWASA) personnel," sabi ng pahayag.

Pero hindi pa "conclusive" ang resultang ito dahil inaantay pa ang opisyal na kalalabasan sa microbiological water analysis, at ang resulta sa rectal swabbing sa 15 pasyente upang malaman ang bacteria na tumama sa kanila.
 
- Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.