PatrolPH

Multicab nahulog sa bangin; 1 patay, 17 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 11:10 AM | Updated as of Jul 21 2021 02:35 PM

Multicab nahulog sa bangin; 1 patay, 17 sugatan 1
Namatayan ng makina ang multicab habang bumibiyahe sa paakyat na bahagi ng kalsada. Dumausdos ito hanggang sa mahulog sa bangin. Larawan mula sa Taga Malitbog Facebook page

Isa ang patay at 17 naman ang sugatan matapos mahulog ang isang multicab sa Provincial Road sa Barangay Sangahon, Malitbog, Southern Leyte, Martes ng hapon.

Dead on arrival sa pagamutan ang driver ng multicab na si Alberto Payac, residente ng Matalom, Leyte.

Sa inisyal na imbestigasyon, papuntang Bidlisiw Farm sa Barangay Guinabonan ang sasakyan.

Pero pagdating sa pasulong na bahagi ng kalsada ay huminto ang makina nito at dumausdos ang sasakyan hanggang sa mahulog sa bangin.

Agad na nadala sa mga ospital ang driver at mga pasahero para malapatan ng paunang lunas. Pero hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang driver.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa aksidente.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.