PatrolPH

Ilang bata, matatanda inilikas mula sa baha sa Pilar, Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 08:40 PM

Ilang bata, matatanda inilikas mula sa baha sa Pilar, Bataan 1
Kuha ng Pilar Fire Station

Nasa 15 indibidwal, na karamihan ay mga bata at matatanda, ang nasagip ng mga rescuer sa bayan ng Pilar, Bataan, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay FO1 Josephine Iglesia ng Pilar Fire Station, na-stranded ang mga ito sa isang sitio sa Brgy. Poblacion sa Pilar.

"Siguro, hanggang baywang [baha] kasi doon, masyadong paloob kaya kailangang pasukin," aniya.

Ayon sa municipal disaster risk reduction and management office ng Pilar, dala ng walang tigil na ulan dahil sa Bagyong Fabian na pinalalakas pa ng hanging habagat kaya tumaas ang tubig sa mga lugar, partikular sa mga bahay sa tabi ng ilog.

Pansamantalang inilikas sa multi-purpose hall ng Poblacion ang mga nasagip.

—Ulat ni Gracie Rutao

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.