PatrolPH

Barangay chairman patay sa pamamaril sa Abra

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 12:39 AM | Updated as of Jul 21 2021 10:54 AM

Barangay chairman patay sa pamamaril sa Abra 1
Kuha ng Abra PNP

Patay sa pamamaril ang isang 47-anyos na barangay chairman sa bayan ng Bangued, Abra, Lunes ng umaga. 

Ayon kay Police Cpt. Edwin Sergio na public information officer ng Philippine National Police (PNP) Abra, galing sa isang tindahan si Brgy. Lubong chairman Robert Villastiqui para bumili ng sigarilyo. 

Nang pauwi na siya sakay sa kaniyang motorsiklo ay pinagbabaril siya ng salarin. Nangyari ang pamamaril sa mismo niyang barangay. 

Nagawa pa umano ng biktima na tumakbo pero sinundan pa rin siya ng gunman at pinagbabaril. 

Nagtamo ng 10 tama ng baril sa katawan ang biktima na agad niyang ikinamatay. 

May 'person of interest' na umano ang pulisya sa pagpatay sa biktima. Personal ang pangunahing pinag-aaralang motibo sa krimen na hindi idinetalye ng mga awtoridad.

Unang termino pa lang umano ni Villastiqui bilang barangay chairman.

—Ulat ni Grace Alba

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.