PatrolPH

8 nasagip mula sa tumaob na bangka sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 11:53 AM

ANTIQUE - Nailigtas ng mga awtoridad nitong Martes ang 8 tripulante ng isang motor banca na tumaob sa karagatan ng Semirara, Antique.

Ayon sa Coast Guard Sub-Station Semirara, tumaob ang MB Roxanne L dahil sa malakas na hangin at ulan at malalaking alon habang papuntang Semirara Island.

Kaagad na rumesponde ang mga awtoridad at nailigtas ang 8 sakay ng bangka.

Itinurnover ng Coast Guard Antique sa Barangay Disaster Risk Reduction Management ng Semirara ang mga nakaligtas para mabigyan ng paunang lunas. 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.