PatrolPH

5 lalaking naka-inom arestado matapos mag-amok sa Tacloban City

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 08:19 PM

Limang lalaking nag-inuman sa isang restobar sa Tacloban City, Leyte ang inaresto ng pulisya matapos magwala sa naturang establisiyimento noong Linggo.

Nag-amok, tumangging magbayad, at tinangay pa ang nasa P62,000 cash sales at cellphone ng may-ari ng restobar ang mga suspek, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa Tacloban City Police Office, nagalit umano ang mga suspek nang hingin na ng may-ari ang kanilang bayad. 

Sa galit, bunga na rin ng kalasingan, pinagbabasag ng mga lalake ang ilang bote ng beer sa loob. Pati ang flat-screen television set ng restobar, binasag din ng mga lalaki. 

Agad nahuli ng pulisya ang mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation.

—Ulat ni Sharon Evite-Carangue

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.