PatrolPH

3 marijuana plantation sa Kalinga sinalakay; P21.5-M halaga ng marijuana sinira

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 06:57 AM

Sinalakay ng mga awtoridad ang 3 magkakahiwalay na marijuana plantation sa bayan ng Tinglayan, Kalinga Martes.

Sa isang plantation, nakuha ang humigit kumulang 37,500 full-grown marijuana plants na di bababa sa P7.5 milyon ang halaga. 

Sa isa naman, nakuha ang humigit kumulang 30,000 tanim na marijuana na aabot naman sa P6 milyon ang halaga. 

Nasa 40,000 tanim na marijuana na may halagang P8 milyon ang nakuha sa isa pang plantation.

Sa kabuuan, nasa 107,500 na tanim na marijuana ang nakuha ng mga awtoridad, na may kabuuang halagang P21.5 milyon. Nasa 6,000 square meters ang lawak ng tatlong plantasyon. 

Walang magsasaka o cultivator na nadakip sa operasyon. — Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.