PatrolPH

3 'akyat-bahay' arestado sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2021 02:39 PM | Updated as of Jul 22 2021 08:24 PM

Arestado ang 3 tao matapos umanong magnakaw sa mga bahay sa Barangay Culiat, Quezon City.

Nabawi sa mga pinaghihinalaang kawatan ang mga cellphone at relo na kinuha umano nila noong Lunes sa magkakatabing-bahay sa naturang barangay, ayon sa mga awtoridad.

Watch more on iWantTFC

Nahuli sa follow-up operation ng Quezon City Police District ang mga suspek sa pinagtataguan nilang bahay. Natunton umano sila sa tulong ng CCTV footage.

Bukod sa 3 umanong akyat-bahay, hinuli rin ng mga awtoridad ang 2 taong kasama nila sa bahay matapos makuhanan raw ng droga at baril. 

Patong-patong na kaso umano ang haharapin ng mga suspek na ngayo'y hawak ng pulisya.

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.