Mga motorista magdamag pumila sa libreng COVID-19 drive thru test sa Quirino Grandstand

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2020 10:15 AM | Updated as of Jul 21 2020 10:16 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA – Mahaba na ang pila sa Quirino Grandstand bago pa man magbukas ang alok na libreng drive thru COVID-19 test ng lokal na pamahalaan ng Maynila Martes ng umaga dahil karamihan sa mga motorista ay magdamag nagsimulang pumila dito. 

Napuno na ang kalsada at umabot na ang pila hanggang sa Roxas Boulevard. Ang drive thru ay may anim na lane para sa 4 wheels at para din sa mga bisikleta, tricycle. 

Nagkaroon rin ng kalituhan sa pila dahil may mga sasakyang pumila sa special lane na hindi nama dapat para sa kanila. Marami ang nagalit nang tangkain silang paalisin hangang sa nagdesisyon na lang na isama sila sa kabilang pila o i-merge. 

Nauna nang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na may kapasidad ang drive thru sa Quirino Grandstand na gumawa ng 700 test kada araw. Bukas din ito sa publiko maging sa mga hindi mga residente ng lungsod. 

Bukas ang drive thru testing sa Quirino Grandstand mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.