Mga lumabag sa Navotas lockdown, lagpas 3,000 na

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2020 11:24 PM | Updated as of Jul 22 2020 12:26 AM

Ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) ay naitalagang magbantay sa ilang lugar ng Navotas City dulot ng lockdown sa lungsod. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file

MAYNILA - Umabot na sa 3,071 ang mga lumabag sa quarantine protocols sa Navotas City, sa gitna ng umiiral na lockdown sa lungsod. 

Sa bilang na ito, 161 ang menor de edad. 

Nagpaalaala ng Navotas city government nitong Martes na sundin ang ipinatutupad na safety measures, kasama ang pagsuot ng face masks, physical distancing at pananatili sa bahay. 

Nagsimula ang lockdown sa Navotas nitong July 16 at matatapos sa July 29. 

Nakapagtala na ng 1,236 total confirmed COVID-19 cases ang Navotas, at 634 dito ang active cases.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.