Lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa nakaparadang truck

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2020 12:55 AM

Patay ang isang 31-anyos na lalaking driver ng motorsiklo matapos siya bumangga sa isang nakaparadang truck sa highway ng Hinoba-an sa Negros Occidental nitong Sabado.

Sa imbestigasyon ng Hinoba-an Municipal Police Station, binabaybay ni Art Gumban ang highway sakop ng Barangay Bacuyangan nang mabangga niya ang likuran ng nakaparadang truck sa gilid ng daan.

Ayon sa hepe ng Hinoba-an MPS na si Police Maj. Clifford Batadhay, nakainom si Gumban at posibleng nakaidlip ito kung kaya’t nabangga niya ang truck, na nasa harap ng isang simbahan.

Dinala sa ospital si Gumban pero hind na siya nakaligtas sa mga sugat na natamo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.