PatrolPH

GSIS may pautang sa mga bibili ng laptop para sa distance learning

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2020 04:21 PM | Updated as of Jul 21 2020 07:01 PM

Watch more on iWantTFC

(UPDATE) Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng pautang na magagamit ng mga miyembro nito, kasama ang mga guro, pambili ng mga laptop o computer para sa distance learning.

Hanggang P30,000 ang maaaring utangin ng GSIS members na maaaring bayaran sa loob ng 3 taon, ayon kay GSIS President Rolando Macasaet.

Nakatakdang ilunsad ang loan program sa susunod na linggo o unang linggo ng Agosto.

Nauna nang sinabi ng mga grupong Alliance of Concerned Teachers at Teachers' Dignity Coalition na lalo lang malulubog sa utang ang mga guro sa bagong loan program ng GSIS.

Dapat ay gobyerno, partikular ang Department of Education, ang magbigay ng gadgets na gagamitin ng mga guro sa pampublikong paaralan, sabi noon ng parehong grupo.

May balak din ang GSIS na magpautang ng hanggang P100,000 sa mga miyembrong naghuhulog na ng 15 taon pataas, pero paaaprubahan pa lang ito sa kanilang board.

Puwedeng magamit ang naturang utang para sa matrikula, ayon kay Macasaet.

Kapang inaprubahan ng board, balak ni Macasaet na ilunsad ang loan program sa Setyembre at maglaan ng P50 billion na pondo. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.