PatrolPH

57 labi ng mga OFW na nasawi sa COVID-19 sa Saudi, iuuwi na sa susunod na linggo

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2020 07:21 PM

MAYNILA - Limampu't pito pang mga labi ng overseas Filipino workers na nasawi sa Saudi Arabia dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang iuuwi sa bansa sa susunod na linggo ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Tatlumpu sa mga labi ay mula sa Jeddah, 20 ay mula sa Riyadh habang 7 naman ang mula sa Al Khobar.

Ito na ang ikatlong batch ng mga labi ng OFW mula Saudi. Una nang naiuwi noong July 10 at 19 ang 137 labi ng mga OFW na nasawi rin dahil sa COVID 19 at iba pang sakit.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bibigyan din ng grand welcome at memorial ceremonies ang mga labi pagdating sa bansa.

Ididiretso sa crematorium ang mga nasabing labi.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.