Pedicab driver tinaga ang lalaking naningil sa kaniya ng utang

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 05:32 PM | Updated as of Jul 21 2019 07:18 PM

Napatay noong Sabado ang isang habal-habal driver sa Ocampo, Camarines Sur matapos umanong pagtatagain ng pedicab driver dahil sa utang.

Watch more in iWant or TFC.tv

Nakuhanan ng CCTV ang insidente ng pananaga ng suspek na si Franklin Andaya, 45, sa biktimang si Enrique Rodriguez, 47.

Ikinagalit ng suspek ang inasta sa kaniya ni Rodriguez nang singilin niya ito sa utang na P770, kuwento ni Andaya.

Nagtamo ng 22 saksak at taga sa katawan ang biktima, na dinala sa ospital pero binawian din ng buhay.

Kinasuhan ng murder ang suspek.

-- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.