Lalaking sanggol na hinalay, pinatay sa Makati inilibing na

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 04:11 PM

MAYNILA — Umagos ang luha nitong Linggo sa libing ng 1 anyos na lalaking sanggol na natagpuang patay at ginahasa sa isang abandonadong gusali sa Makati City noong Hulyo 17. 

Nag-alay ng misa para sa batang si alyas "Totoy" sa simbahan ng National Shrine of Sacred Heart sa Makati bago ito ilibing sa Manila South Cemetery.

Dumalo sa libing ang mga kaibigan at kapitbahay ng pamilya.

Maaalalang hinalay at pinatay ang biktima noong July 17 sa Barangay San Antonio Makati ng isang Gerald Reparip, 28 taong gulang at isang construction worker. 

Batay sa ulat ng pulisya, suspek sa krimen ang isang 28 anyos na manggagawa na umano'y dumalo sa kaarawan ng lolo ng biktima. 

Nauna nang inamin ng suspek ang krimen. 

Nahaharap sa kasong rape with homicide ang trabahador. —Ulat ni Abner Mercado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.