Lalaki inatake sa puso habang nanonood ng laban ni Pacquiao

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 03:55 PM | Updated as of Jul 21 2019 04:49 PM

(UPDATE) Namatay nitong Linggo sa Cebu City ang isang 41 anyos na lalaki nang atakihin sa puso habang nanonood ng laban ni Manny Pacquiao at Keith Thurman.

Kinilala ang nasawi bilang si Lorenz Dizon, na taga-Barangay Kalunasan.

Isinugod si Dizon ng kaniyang mga kaanak sa Vicente Sotto Memorial Medical Center pero idineklara siyang dead on arrival.

Ayon sa mga kaanak ay matagal nang may sakit sa puso si Dizon.

Kalalabas lang daw ni Dizon sa ospital noong Sabado matapos makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Samantala, isa namang senior citizen sa Cebu City ang isinugod sa ospital nang manikip ang dibdib dahil sa sobrang saya nang manalo si Pacquiao.

May edad 60 ang nasabing lalaki na taga-Barangay Sawang Calero.

Nagwagi si Pacquiao laban kay Thurman — na 10 taon ang bata sa kaniya — sa pamamagitan ng split decision. -- Ulat ni Aiza Layague, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.