Ex-convict sa Zamboanga nakuhanan ng 50 gramong shabu

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 04:07 PM

ZAMBOANGA CITY — Timbog sa buy-bust ang isang ex-convict noong Sabado matapos makakuha ang mga awtoridad ng nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu sa suspek.

Nakipagtransaksiyon ang 49 anyos na suspek sa isang bus terminal sa Barangay Divisoria nang nakuhanan siya ng shabu na may halagang P340,000.

Bukod sa shabu, nakuha rin mula sa lalaki ang P99,000 boodle money at 2 cellphone.

Batay sa ulat, dati nang nakulong ang suspek sa San Ramon Penal Farm dahil din sa kasong droga.

Ayon pa sa pulisya, tubong-General Santos talaga ang suspek. 

Nakakulong ngayon ang suspek sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency habang hinahanda na ang kasong isasampa sa kaniya. —Ulat ni Chrisel Almonia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.