Babae patay sa pamamaril ng kinakasama sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2019 08:20 PM

Napatay noong gabi ng Sabado ang isang 30 anyos na babae sa Kabankalan City, Negros Occidental matapos barilin ng kaniya umanong lasing na kinakasama.

Umuwi sa kanilang bahay sa Barangay Binicuil ang lasing na suspek, 34, at binaril ang biktima gamit ang isang improvised shotgun, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Agad sumuko sa mga tauhan ng barangay ang suspek.

May 5 anak na ang biktima at suspek, na 11 taon nang nagsasama.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder.

-- Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.