Fil-Am arestado sa kasong child trafficking sa Batangas

Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 01:02 AM

Nakuha mula sa suspek ang iba't ibang gadget na ginagamit umano nitong pang-record sa mga menor de edad na biktima. ABS-CBN News

Arestado ang isang Filipino-American matapos maaktuhang kasama ang dalawang menor de edad sa isang kwarto sa motel sa Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay police Chief Insp. John Paras, commander ng Regional Anti-Cybercrime IV-A, isang online child sex trafficking predator ang suspek.

Modus umano nito na yayaing makipagtalik ang mga biktima kapalit ng pera at gamit.

Dagdag ng pulisya, nirerecord sa video cam ng suspek ang mga biktima, na siya nitong ibinibenta sa mga foreigner sa internet.

Ikinasa ang operasyon bunsod ng reklamong natanggap ng pulisya mula sa magulang ng isa sa mga biktima na ni-rape umano ng suspek.

Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang ilang gadget na siya umanong ginagamit nito sa pagvi-video sa mga biktima.

Mahaharap sa kasong child trafficking ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.