Dating vice mayor ng bayan sa Maguindanao patay sa pamamaril

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 05:28 PM

Pauwi na sana si Roger Lawagan Mamalo, dating bise alkalde ng bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao, nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin. Tacurong City Police

Patay ang dating bise alkalde ng bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao, matapos pagbababarilin sa Tacurong City, Sultan Kudarat nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Roger Lawagan Mamalo na pauwi na sana sakay ng kaniyang kotse nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin.

Dahil sa mga tinamong tama ng bala, agad na binawian ng buhay ang biktima. 

Base sa impormasyon ng pulisya, kabilang umano sa narco-list si Mamalo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya ukol sa motibo ng pamamaril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.