5 establisyimento, 3 bahay natupok sa North Cotabato

Arianne Apatan, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 10:37 PM

Nasa P5 milyon ang halaga ng ari-ariang nasunog sa bayan ng Antipas, North Cotabato nitong Biyernes. ABS-CBN News

Limang commercial establishment at 3 bahay ang nasunog sa bayan ng Antipas, North Cotabato Biyernes ng umaga.

Ayon sa ilang residente, nagsimula sa isang bakery ang apoy.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na mahigit isang oras ang itinagal bago na-ideklarang fire out.

Ayon sa mga awtoridad, nasa P5 milyon ang halaga ng ari-arian na natupok.

Patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng dahilan ng sunog.

Nananawagan naman ng tulong ang mga biktima ng sunog dahil wala silang naisalbang gamit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.