4 tiklo sa drug session sa Parañaque

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 11:16 AM

Nahuli sa akto ang apat na suspek habang nagda-drug session sa Barangay BF Homes sa Parañaque City. Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA - Timbog ang apat na lalaki na nahuli sa drug session sa Barangay BF Homes, Parañaque City, Sabado ng umaga.

Pawang walang trabaho ang mga naaresto at mga residente sila ng naturang lungsod.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Parañaque Police, nagsasagawa ng anti-criminality campaign sa may Dela Rama Compound ang mga tauhan ng Police Community Precinct 5 nang maaktuhan nilang nagda-drug session ang apat na suspek.

Nasamsam sa kanila ang isang sachet ng hinihinalang shabu at kagamitang may kinalaman sa ilegal na droga.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.