3 lalaki na 'nanlaban' sa Laguna buy-bust, patay

ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 05:41 AM

MAYNILA - Patay ang 3 lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Biñan City, Laguna Biyernes ng gabi.

Ikinasa ng San Pedro City police at Biñan City police ang operasyon laban sa isang alyas Amang na umano'y miyembro ng isang drug group.

Matapos makabili ang poseur buyer mula sa suspek, bumunot umano ito ng baril matapos makahalata na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Nagresulta ito sa engkuwentro kung saan nagpaputok din umano ang 2 kasamahan ng suspek.

Napuruhan ang 3 lalaki at isinugod pa sa ospital pero binawian din ng buhay. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.