2 umano'y adik huli sa Makati

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jul 21 2018 12:23 PM

MANILA - Dalawang suspek ang tiklo matapos mahuling gumagamit umano ng ilegal na droga sa Makati City, Sabado.

Nahuli ng mga pulis ang dalawang 30-anyos na mga suspek matapos magsumbong ang isang residente na may nakita siyang nasa isang drug session sa kanto ng Ilana Street sa Barangay Poblacion.

Nakuha mula sa mga di pinangalanang suspek ang 2 sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.